Tayo

Photo from Ang Kwento Nating Dalawa

Di naman talaga kita dati napapansin
Kaso may pabor ang isang kaibigan at hindi ko sya mahindian.
Tinawag kita sa alam kong pinakamagalang na pamamaraan
Hanggang sa nasasanay na akong banggitin ang iyong pangalan.

Naalala ko pa ang unang araw ng ating pagkikita.
Ayoko talaga ng mga sorpresa
Pero ikaw ang unang sorpresa na nagustuhan ko.
Pinakilala kita sa mga kaibigan ko
At sinabi mo sa kanila kung gaano mo
kamahal ang ginagawa mo.
Dun palang, nabihag mo na ako.

Alam ko naman na simula palang meron nang kayo
At ayokong makisingit sa inyong kwento.
Pinilit kong umiwas pero di ako nakaligtas.
Hanggang sa hulog na hulog na ako…
Nahuhulog sa isang bagay na walang kasiguraduhan…

Pinilit kong tumaya…
Pinilit kong tumaya kasi sabi mo may pag-asa tayo…
Pero masakit sampalin ng isang realidad na mali ito…na simula palang mali na tayo…
At kailangan nang tapusin ang ating kwento…

#tayo#angkwentonatingdalawa

Advertisements

Author: IdaAvenido

Filipino.Introvert.On her journey towards self-discovery

2 thoughts on “Tayo”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s